Never forget: July 10, 2020.

Natulog ako kagabi na masama ang loob.

Hindi sa asawa ko, pero sa mundo, sa Pilipinas, sa gobyerno.

Sobrang nakakasama talaga ng loob ang mga nangyayari sa Pilipinas ngayon. Sa gitna ng pandaigdigang pandemiya, tila nakatuon sa ibang bagay (read: POLITICAL, SELFISH AGENDA) and mga pinuno ng bansa. Nakakasukang isipin na napakaraming tao ang nawalan ng trabaho, napakaraming estudyante ang mawawalan ng pagkakataon na makapag-aral, napakaraming negosyo ang nalugi at nalulugi, napakaraming empleyado na bagaman hindi natanggal sa pinapasukan pero nagkakayod-kabayo umaga at gabi para trabahuin ang mga gawaing naiwan ng mga nawala at nagkakaroon na rin ng anxiety sa pangambang sila na ang susunod na matatanggal kinabukasan. Hindi pa binabanggit dito ang mga pasyenteng araw-araw nakikipag-laban sa COVID-19, ang mga healthcare workers at frontliners na tunay na mga bayani sa krisis na ito at patuloy na nagsasakripisyo dahil sa araw-araw na pagdoble ng mga taong nahahawaan ng sakit, at ang mga taong tahimik na nagdurusa sa kanilang Mental Health conditions dahil ang di-kasiguraduhan ng panahong ito ang kanilang pinaka-kaaway.

Pero may dalawang bagay na mas nakakasuka d’yan:

  1. Ang kawalan ng konkreto, matatag, at MATALINOng plano ng mga leaders ng bansa dahil maaaring wala silang pakialam, wala silang alam, at wala silang ginagawa para matuto paano maging mas mahusay na pamahalaan; at
  2. Ang mga kababayan nating hindi pa rin mulat sa tunay na kalagayan ng bansa (o baka naman nagbubulagbulagan dahil panatiko na sila ng mga taong nakaupo sa posisyon)- at patuloy na parang tangang sumisigaw ng “huwag kasi kayong umasa sa gobyerno”, “ikaw na lang kaya mag-Presidente”, at “dilawan!”

Hindi na ho ito usapin ng kulay, partido, o paniniwala.

Hindi natin napipili kung saan tayo ipapanganak- kung saang bansa, kung anong klase ng komunidad, kung anong katayuan sa lipunan, kung gaano kahirap o kayaman. Hindi natin ito choice, hindi kasalanan, at hindi rin naman parusa. At totoong nakasalalay sa ating mga kamay at pagsisikap kung paano tayo magtatagumpay.

Pero ang tunay na dahilan kung bakit may pamahalaan ay para tuklasin, pag-aralan, at solusyunan kung paano pagpantayin (kahit baha-bahagya lang, kahit pakonti-konti) ang mga oportunidad para magtagumpay ang lahat- anuman ang kasarian, katayuan sa buhay, o pangkat na pinanggalingan. Ang trabaho nila ay alamin at hanapin ang mga pader na naghihiwalay sa mga nakapag-aral sa hindi, sa mga may trabaho sa wala, sa mga may kapansanan sa mga malulusog, at sa mga nakakariwasa sa buhay sa mga ni walang makain; at tibagin iyon sa pamamagitan ng mga mabubuti at mahuhusay na batas, polisiya, at pamamahala.

Kaya sa tuwing kinakalampag natin ang gobyerno, hindi natin sila inaasahang magbigay ng limpak na pera para mamuhay tayo ng masagana kahit di nagtatrabaho kailanman. Hindi tayo umaasang gagawin nila tayong milyonaryo. Kinakalampag natin sila dahil gusto nating ipaalala ang kanilang sinumpaang tungkulin. Kinakalampag natin sila dahil gusto nating ipaalala ang ating HALAGA bilang tao at mamamayan- dahil karapat-dapat tayong LAHAT sa isang maayos kahit simple lang na pamumuhay.

Natulog ako kagabi na masama ang loob.

Pero pag-gising ko ako pa rin ay isang Pilipino, nasa lower middle-class, may mga responsibilidad, bills at buwis na dapat bayaran, takot at balisa, at wala pa ring lunas o bakuna para sa COVID-19.

Hindi ko mababago ang mga bagay na yan sa isang iglap lang, katulad ng hindi ko mababago ang mga taong naghahari-harian ngayon sa gobyerno (lalo na ang kanilang stupidity, selfishness, and indifference). Sila lang naman ang pwedeng magdesisyon para baguhin ang mga sarili nila. Pero siguro wag na lang natin kalimutan na may mga bagay na kaya naman nating gawin.

UTANG NA LOOB:

  1. Magparehistro tayo at bomoto ng tama sa susunod na eleksyon. (Lord, please sana may election na maganap sa 2022) Sama-sama din tayong magdasal na sana’y magkaroon ng mga mabubuti, mahuhusay, at maka-bansang kandidato. Dahil kung mga trapo at berdugo na naman ay ewan ko na lang talaga.
  2. Magbasa, mag-aral, mag-isip ng kritikal. Tanggapin na natin- Change has indeed come, but not for the better.

Whatever it is you’re not changing, you are choosing.

Hindi na pwedeng neutral sa panahong ito. Sana doon tayo sa may tunay na pagmamahal sa Pilipinas.

Author: Sen

A 20something professional wishing to fulfill her childhood dream of keeping a decent space in the blogosphere. An all-for-God servant. Also known now as Mrs. Mercado. Still a beloved princess of the King of Kings.

7 thoughts on “Never forget: July 10, 2020.”

  1. “Ang tunay na dahilan kung bakit may pamahalaan ay para tuklasin, pag-aralan, at solusyunan kung paano pagpantayin (kahit baha-bahagya lang, kahit pakonti-konti) ang mga oportunidad para magtagumpay ang lahat.”
    Ang ganda nito! Sana lahat ng tao nauunawaan ang ganitong ideya. Marami pa rin kasi ang naniniwala sa retorikang mali ang pagkalampag sa gobyerno, na dapat kanya-kanya na lang tayo, na kung hindi ka umuunlad sa buhay e dahil tamad ka talaga o hindi ka marunong magsumikap. Hay nako.
    Salamat dito, Sen. Sana marami pa ang makabasa nito!

    Like

    1. Awww salamat ❀ this has always been my view about the government.. kaya nakakalungkot kapag may nagagalit kung binabatikos ang gobyerno πŸ˜“ We know we deserve better than what they’ve been giving to us. Hindi naman din tayo mag-iingay kung naibibigay ang nararapat satin eh… hayyyy

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s